“Oh,” inabutan ako ni Rowan ng anim na libo sa kamay.“Para saan 'to?”“Sweldo mo nga. Ang tigas ng ulo mo,” pinaikotan ko siya ng mata.“Di naman na ako nagtatrabaho eh,” ibinalik ko sa kaniya ang pera. Pero sayang pala.“Meron,” ibinalik niya ulit sa akin.“Fine! Ibabayad ko na lang sa utang ko 'to,” bulong ko pa.“Ang bata mo pa may utang ka na,” umupo siya sa kama at tinanggal ang sapatos at medyas niya. Habang ako ay nasa harapan ng salamin nagsusuklay.“Tsk. Basta.” umikot ako paharap sa kaniya. “Aalis pala ako bukas. Pupunta ako sa…bahay,” “Ihahatid kita. What time?” tumingin siya sa akin. Wag mo akong tingnan, luluhod ako. Kimi.“Hindi na, kaya ko naman.” sasagot pa sana siya ng inunahan ko na ito. “May trabaho ka pa bukas, mr Velasquez.” tumayo na ako at akmang aalis na ng kwarto nang magsalita siya.“Okay ms Velasquez,” tangina, ang galing magpakilig, wala namang gusto sa a
Huling Na-update : 2025-11-03 Magbasa pa