CHAPTER 136 KARINA HAWAK ko ang magkabilang braso ng mga magulang ko habang dahan-dahan naming nilalakad ang daan patungo sa altar. Hindi pa rin kumakalma ang sistema ko. Kung kanina ay kinakabahan, nanginginig, natatae, at halo-halo ang emosyon, ngayon ay mas lalo itong dumoble. Mahigpit akong kumapit sa mga bisig ng mga magulang ko. Alam kong kanina pa nila napapansin ang panginginig ng katawan ko, kaya marahang tinapik ni Papa ang kamay ko at nginitian ako. “Kalma ka lang, anak. Ikakasal ka ngayong araw, dapat i-enjoy mo ’to,” mahinang usal ni Papa. “Tama ang Papa mo, anak,” pagsang-ayon naman ni Mama. “At huwag kang mag-aalala dahil sinisiguro naming matutuloy ang kasal, at hindi ito peke,” dagdag pa niya. Bahagya naman akong natawa kaya panandaliang nawala ang kaba sa dibdib ko at napalitan ng saya. “Ma naman eh, binibiro n’yo pa talaga ako,” ani ko. Mahina namang tumawa si Mama. “Alam na alam ko ang pakiramdam na ’yan, anak. Once in a lifetime.” emosyonal na wika
Read more