LUTHER Dumeretso ako sa mansyon—magulo ang utak kakaisip kung nasaan ang asawa ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko, at hindi ako mapakali. Natatakot ako na baka hindi ko na siya makitang muli. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung ano ang mararamdaman ko matapos marinig ang lahat mula sa in-law ko. Nasaktan ako, oo, pero hindi na katulad ng dati na halos gumuho ang mundo ko. Ngayon iba na ang nararamdaman ko. Pero wala naman na siguro akong dahilan upang magalit pa, dahil aksidente lang naman ang lahat. "Sir, susunduin niyo na po ba si Ma'am?" usal ni Ate Betty. "Nandito ba asawa ko?" Kinakabahan, natutuwa na tanong ko. "Opo, sir... Kanina pa po siya dumating, umiiyak po e.. Nag-away po ba kayo?" tanong ni Ate Betty. Huminga ako ng malalim. "May problema lang, pero hindi naman kami nag-away." Sagot ko na lang. Pumasok na ako sa loob ng bahay, pero hindi agad ako nagpakita sa asawa ko. Nasa sala sila ngayon, nag-uusap. Hindi naman malayo sa sala kung saan ako nakatay
Baca selengkapnya