CHAPTER 148 KARINA I woke up early, feeling excited. Nag-shower agad ako, nagbihis, at nag-ayos ng sarili. Hindi nga ako nakatulog nang maayos dahil sobrang excited akong makita ang asawa ko. Pakiramdam ko, ilang taon ko siyang hindi nakita. "Hindi po halatang excited ka, Ate.." panunukso ni Uno na maaga dumating upang bantayan si Precious. "Hindi lang makapaghintay na makita si Kuya mo. Pero—" sabi ko at huminto muna saglit at huminga ng malalim. "magigising na kaya siya?" "Let's pray for that, Ate. He will wake up!" ani Uno. "I have Faith in Him," I said. "That's the spirit, Ate..." He cheered me up. Ngumiti na lang ako at hindi na makapaghintay na makita siya. "Aalis na ako, Uno. Nasa fridge na ang milk ni Precious, initin mo na lang, Uno ha. Hindi naman ako magtatagal, dahil aalis na tayo mamaya.." sabi ko. Pwede na kaming lumabas ni Baby, dahil okay na ang lahat sa amin. Si Luther na lang ang hindi pa pwedeng lumabas dahil kailangan pa siyang obserbahan ng mga do
Baca selengkapnya