CHAPTER 102 KARINA Ngayon ang alis ng besty ko, and I can't stop crying because I will miss him so much. Wala na akong ka-chismisan. Wala na ring bigla-biglang darating sa bahay na may dalang pagkain. Ma-mi-miss ko ang pagiging sassy niya—na sa akin lang niya ipinapakita. I’m praying for the best for him and for a successful chemotherapy. Deserve niyang mabuhay pa sa mundong ito, dahil kailangan siya ng mga taong nagmamahal sa kanya. Nandito rin ngayon ang mga kaibigan ni Arian—ang grupo niya sa university. Kahit nagulat sila sa pag-amin niyang gusto niya ang isang lalaki, tinanggap pa rin nila siya. Pero alam kong hindi rin naging madali iyon para kay Arian, lalo na para sa mga kaibigan niyang matagal na niyang nakasama. Masaya naman ako dahil suportado nila si Arian, lalo na sa relasyon nito kay Kennedy. “Magpagaling ka, dude ha. Maglalaro pa tayo ng mobile games,” usal ni Joseph, isa sa mga closest friend ni Arian. Magkaparehas kasi sila ng ugali—parehong tahimik. “I w
Read more