Late na nagising si Karina. Napasarap kasi ang tulog niya. Hinayaan na lang siya ni Luther na matulog dahil gabi na rin silang nakatulog. Ayaw rin nitong gisingin siya para kumain dahil himbing na himbing ito sa pagtulog. Mapungay na idinilat ni Karina ang mga mata. Ang sarap ng tulog niya at nanaginip pa siya. Hindi rin masama ang pakiramdam niya—parang ang gaan-gaan ng katawan niya. Nag-unat muna siya ng katawan bago tinungo ang banyo para maghilamos. Habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin, una niyang napansin ang pamimilog ng kanyang mga pisngi. “Tumaba ba ako? Palagi kasi akong gutom, baka ito na ‘yung resulta. Isang buwan pa lang naman si Baby sa tiyan ko, pero lumubo na agad ako. Normal lang ‘to,” wika niya sa sarili sabay busangot. “Ganito talaga kapag buntis, ang mahalaga, hindi nai-stress,” dagdag pa niya. Pagkatapos magbanyo, lumabas na rin siya ng kwarto. Habang nasa hagdan pa lang, narinig na niya ang mga pamilyar na tinig—may tawanan at kulitan. Dahan-dahan
Terakhir Diperbarui : 2025-11-13 Baca selengkapnya