MATAPOS ang klase ay dumeretso na si Karina sa Mansyon. Kasama niya si Arian, pero hindi niya sinabi na galing siyang hospital kanina para sa check-up. Kahit paman hindi pa makikita o malalaman ang gender ng bata ay excited ang mag-asawa to share the good news—about their baby's health. Nauna pa na dumating si Karina sa mansyon, kaya hininhintay na lang nila ang pagdating ni Luther at Kennedy. Upang sabay-sabay na silang maghapunan. "You are glowing, Iha. Mas lalo kang gumanda," puri ng Matanda —Lucy. "Hindi naman po, Ma," nahihiya naman na sabi ni Karina. "Baka dahil po sa pagbubuntis ko." Dagdag pa niyang salita. "Mukhang masaya ka rin, Iha. Nakikita ko sa iyong mga mata," parang sumikislap ang mga mata ng matanda habang tinitigan si Karina. "Kailangan po maging masaya, Ma. Kahit na may pinagsasabi, alam ko po na magiging okay lang ang lahat. Masaya po ako, pati puso ko." Ramdam ni Lucy na totoo ang sinabi ni Karina kaya nakaramdam siya ng kasiyahan sa puso niya. "
Terakhir Diperbarui : 2025-12-01 Baca selengkapnya