SAMANTALA, sa labas ng Crest estate, tahimik na nakatayo si Bea sa harap ng matataas na bakal na gate. Malamig ang hangin at halos mangalay ang kanyang mga pisngi sa lamig, ngunit nanatili siyang matatag.Matagal na siyang naghihintay pero walang lumalabas upang salubungin siya. Walang pumipigil sa kanya. Parang sinasadya siyang balewalain. Dahan-dahan siyang lumingon sa bodyguard na kasama niya.“Dali,” malamig niyang utos, “clear the way.”Walang pag-aalinlangan, tumango ang lalaki. Sa isang kisapmata, kumilos siya kasama ang dalawa pang tauhan. Mabilis, eksakto, parang mga sanay na predator. Sa loob ng ilang segundo, nagulo ang paligid.Habang abala ang mga guwardiya sa pagharap sa kanila, tahimik na dumaan si Bea sa gilid at diretso sa loob ng compound. Pagpasok niya, agad niyang napansin ang isang itim na luxury car na nakaparada malapit sa main entrance. Perp bago pa siya makalapit, may isang pamilyar na pigura ang lumabas mula sa loob.Napahinto siya. Si Mr. Crest. Tahimik iton
Read more