KINABUKASAN, dahan-dahang namulat ang mga mata ni Talia. Mabigat pa rin ang katawan niya, ngunit pakiramdam niya ay para siyang natulog nang napakahaba at nalunod sa isang napakalayong panaginip.Tahimik niyang pinagmasdan ang puting kisame ng silid habang mababaw ang paghinga. May bahagyang hilo pa rin siyang nararamdaman at tila nanlalambot ang buong katawan niya.Ilang segundo pa ang lumipas bago marahang bumukas ang pinto ng kuwarto.Pumasok si Lyndon habang may dalang tray ng mainit na lugaw, herbal soup, at mga gamot. Nakaayos ito sa itim na suit ngunit kapansin-pansing seryoso ang ekspresyon nito. Maingat na inilapag ni Lyndon ang tray sa maliit na mesa sa tabi ng kama bago ito tahimik na tumingin kay Talia.“Ma’am,” mababa nitong saad, “tapos na po ang lahat ng work sa laboratory.”Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Talia habang nakikinig.“Naayos na rin po ang compensation ng buong research team. May naka-assign na ring maghahatid sa kanila papuntang airport mamaya.”Unti-unt
Baca selengkapnya