HINDI MAN lang nag-almusal si Caden bago gumawa ng cake. Diretso siyang pumasok sa kusina at tahimik na nagsimulang maghanda. Kinuha niya ang itlog, harina, at iba pang sangkap. Walang imik, maingat ang bawat galaw habang hinahalo niya ang batter.Sa gilid, nakamasid si Lyndon. Sandali siyang nag-alangan bago nagsalita, tila casual lang ang tono.“Sir… dati po, mahirap lang kami,” panimula niya. “Yung hipag ko po ang nagpaaral sa akin. Nagbebenta siya ng mga homemade pastries sa kalsada.”Hindi tumigil si Caden sa ginagawa, ngunit hindi rin siya nagsalita.“Nung una po, nahihiya siya makipag-usap sa customers. Tahimik lang, halos hindi makatingin. Pero habang tumatagal, natuto siyang ngumiti, tumawag ng pansin, hanggang sa siya na mismo ang humihila ng mga dumadaan.”Bahagyang tumingin si Lyndon kay Caden bago nagpatuloy.“Tinanong ko po siya noon kung ano ang sikreto niya. Sabi niya… una, tiyaga. Pangalawa, lakas ng loob. Pangatlo…” bahagya siyang napangiti, “…kapalan ng mukha.”Sand
Read more