ALAS-KWATRO ng hapon, isang itim na Bentley Mulsanne ang tahimik na huminto sa harap ng Santiago Residence. Mabilis na bumaba si Lyndon mula sa driver seat bago dere diretso pumasok sa gate.Makalipas ang halos sampung minuto, muli itong lumabas kasama si Talia. Tahimik lamang ang babae habang hawak ang laptop bag at ilang folders. Hindi na rin ito nagtanong pa nang sabihin ni Lyndon na may urgent technical issue sa HelixCore Technology.Mabilis na umandar ang sasakyan patungong Montclair Biotech Tower. Pagdating sa sixty second floor ng Tech Development Division, agad na bumungad kay Talia ang malakas na palakpakan mula sa loob ng departamento.Halos mapahinto siya sa pintuan. Nakapila sa magkabilang gilid ang mga senior developers, engineers, at AI researchers habang puno ng excitement ang mga mukha.“Welcome, Doctor Nova!”“Oh my God, siya talaga ’yon!”“Grabe… mas maganda pala siya sa personal!”“Legend natin ’yan!”“Little M’s creator!”Mahinang bulungan ang agad na kumalat sa bu
Baca selengkapnya