ログインMAPUTLANG-MAPUTLA ang mukha ni Talia habang nakahiga sa kama. Halos wala nang kulay ang mga labi niya at maging ang paghinga niya ay mababaw.“Doctor...” paos at mabigat ang boses ni Caden habang nakaupo sa tabi ng kama nito. “How is she?”Tahimik na inayos ni Doctor Cruz ang suot nitong salamin bago seryosong tumingin kay Caden.“Mr. Montclair,” mababa nitong saad, “severe anemia na ang kondisyon ni Miss Talia. Dagdag pa ang matinding overwork at physical exhaustion. Sobrang nanghina na ang katawan niya.”Unti-unting kumuyom ang kamao ni Caden matapos marinig iyon.“Then what are we waiting for?” malamig ngunit mariing saad nito. “Prepare blood transfusion immediately.”Dire-diretso at walang pagtutol ang tono ni Caden. Ngunit nanatiling seryoso si Doctor Cruz habang mabigat na umiling.“We already did all the tests,” paliwanag nito. “Napaka-rare ng blood condition ni Miss Talia. May matinding rejection reaction ang katawan niya sa halos lahat ng compatible blood types sa blood bank.
“CAN you stay here tonight?” dugtong pa nito. “As long as you’re beside me... okay na ako.”Oo, takot si Caden. Takot itong baka tuluyan na siyang mawala habang natutulog. Kaya sa mga sandaling iyon, wala itong ibang gusto kundi manatili si Talia sa tabi niya.Tahimik na hinaplos ni Talia ang kamay ng lalaki bago niya muling tinulungang alisin ang suot nitong coat. Pagkatapos noon ay marahan niya itong tinakpan ng manipis na kumot.Sa huli ay dahan-dahan din siyang humiga sa tabi nito nang hindi nagpapalit ng damit. Sa labas ng villa ay maririnig ang malalakas na hampas ng malamig na hangin at pagaspas ng mga dahon mula sa hardin.Mainit ang temperature ng silid, ngunit tila hindi pa rin maalis ang ginaw na bumabalot sa buong gabi.Ilang segundo lamang ang lumipas ay marahang humarap si Caden sa direksiyon niya. Pagkatapos ay awtomatikong iniabot nito ang braso at hinila si Talia palapit sa dibdib nito.“Talia...” mahina nitong bulong.Bahagyang nanikip ang dibdib ni Talia habang mahi
“I DON'T want to see you,” malamig na saad ni Bea bago muling umiwas ng tingin kay Mr. Crest.Bahagyang natigilan ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Ngunit matapos ang ilang segundong katahimikan ay marahan itong tumayo at tahimik na lumabas ng silid.Pagkasara ng pinto ay saka lamang marahang napapikit si Bea, dahil pakiramdam niya ay halos wala nang natitirang lakas sa buong katawan niya. Mahina pa ang kanyang katawan, pero walang-wala iyon sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib...---HALOS tanghali na rin nang tuluyan makalabas ng kuwarto si Bea. Totoong gutom na siya ng mga oras na iyon.Tahimik siyang naglakad pababa at agad bumungad sa kaniya ang mahabang dining table na puno ng iba’t ibang putahe. May sinigang, steamed fish, vegetables, at ilang herbal soups na halatang maingat na inihanda para sa kaniya.Ngunit kahit ganoon ay walang emosyon ang mukha ni Bea habang mabagal siyang umupo. Tahimik siyang kumuha ng kanin at nagsimulang kumain. Hindi niya ugaling sak
KINABUKASAN ay halos tanghali na nang magising si Caden.Mabigat ang ulo niya at tila lutang ang buong isip niya. Marahan siyang napakurap habang pilit iminumulat ang mga mata, ngunit agad na nagsalubong ang mga kilay niya dahil napakadilim. Wala siyang makita kahit ano.Unti-unting nanlamig ang buong katawan ni Caden at naging mabilis na bumigat ang paghinga niya. Pilit siyang tumingin sa paligid ngunit puro dilim lamang ang bumabalot sa paningin niya.“Lyndon,” mahina ngunit mariing tawag niya.Agad namang bumukas ang pinto ng silid at mabilis na pumasok si Lyndon habang may hawak na tray ng mainit na sabaw pampahulas.“Sir?” mabilis nitong tugon.Bahagyang napahawak si Caden sa sentido bago mariing napapikit.“I can’t see,” mababa nitong saad.Biglang natigilan si Lyndon matapos marinig iyon. Agad itong namutla habang mabilis na inilapag ang tray sa mesa.“I-I’ll call Doctor Nova right away!” taranta nitong saad.“No need.”Mahigpit na napahawak si Caden sa tulay ng ilong niya haba
TAHIMIK na napatitig si Caden kay Talia matapos marinig ang tanong nito.Sa ilalim ng malambing na ilaw ng kandila, mas lalong naging malalim ang tingin nito. Parang maraming emosyon ang gustong sabihin ng mga mata niya ngunit pilit niyang kinukubli.“Talia,” saad ni Caden na puno ng emosyon, “for the past few years... hindi kita napahalagahan nang maayos.” Bahagya itong napahinto bago marahang ngumiti. Ngunit may lungkot sa ngiting iyon. “And maybe,” dugtong pa nito, “I’ll regret that for the rest of my life.”Unti-unting sumikip ang dibdib ni Talia habang nakatingin dito. Tahimik na itinaas muli ni Caden ang wine glass bago marahang idinikit iyon sa hawak niyang baso.“I just hope,” mahinahon nitong saad, “na magiging maayos at masaya ang future mo.” Pagkatapos sabihin iyon ay diretsong inubos ni Caden ang laman ng wine glass.Bahagyang namula ang mga mata ni Talia matapos marinig ang mga salita nito. Ngunit mabilis siyang ngumiti upang pagaanin ang atmosphere.“Caden,” mahina niyan
PAGPASOK ni Talia sa main villa ay agad siyang natigilan. Halos wala na ang dating ayos ng malawak na hall. Tinanggal ang karamihan sa mga kasangkapan at pinalitan ng elegante at romantikong dekorasyon. Magkahalong puti at blush pink ang bumalot sa buong lugar habang nakasabit sa bawat gilid ang mahahabang tela na marahang sumasayaw kasabay ng malamig na hangin mula sa air vents.Punong-puno rin ng sariwang lilies at rosas ang paligid. Kumalat sa buong hall ang banayad ngunit mamahaling amoy ng mga bulaklak. Maging ang spiral staircase ay binalutan ng floral garlands at maliliit na ilaw.Tahimik din na tumutugtog sa background ang isang piano piece ng paborito niyang tugtog.Bahagyang natigilan si Talia habang dahan-dahang umiikot ang tingin sa paligid. Sa ilalim ng soft pink lighting, pakiramdam niya ay parang hindi villa ang pinasukan niya kundi isang fairytale set.Sa gitna ng hall ay naroon ang mahabang dining table na natatakpan ng eleganteng tablecloth. May mga silver candle hol
KINABUKASAN.Ang condo unit ni Talia ay parang naging battlefield ng tatlong babae. Tahimik ang labas ng gusali, pero sa loob ng sala, puno ng tensyon.Nakatayo si Bea malapit sa center table, naka-cross arm, nakataas ang baba— in full combat mode. Direkta ang titig niya sa babaeng nasa tapat nila.
SAMANTALA, mabigat pa rin ang hangin sa conference room ng Montclair Biotech. Ang lahat ng naroon ay halos walang gustong huminga.“Three days na lang, tatlong araw!” paos ang boses ng marketing director habang nakatayo sa dulo ng mahabang mesa. “Three days na lang bago ang launch ng Little M! Tapo
HINDI agad sumagot si Talia. Saglit lang siyang tumitig kay Lucas, saka marahang ngumiti ng pilit.“Pagod lang ako,” sabi niya. “Ayokong dumagdag pa sa gulo.”Mariing huminga si Lucas. Kita sa panga niya ang pagpigil ng galit. “Magpahinga ka,” mahinahon niyang sabi. “Babalikan kita mamaya.”Matapos
“HINDI puwede.”Matigas ang pagkakasabi niyon ni Caden na para bang ayaw na ayaw nito sa ideyang iyon. Napakunot ang noo ni Don Ricardo. Mariin niyang ibinagsak ang tungkod sa sahig.“Hindi ikaw ang magpapasya rito,” galit niyang wika. “Hindi ito kumpanya mo.”Agad namang humawak si Talia sa kamay







