TAHIMIK naman ma tumango si Dr. Cole matapos ang ilang segundong pag-iisip.“Of course.”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Caden. Isang maikling hilig ng ulo lang ang ginawa niya, pero halatang kabisado niya na ang direksiyon ng mga pangyayari. Sa tabi niya, tahimik lang si Talia, nakatayo pa rin sa gitna ng laboratoryo habang unti-unting bumabalik sa normal ang galaw ng mga tao sa paligid.---MAKALIPAS ang ilang minuto, dumating silang tatlo sa isang private dining room sa isang high-end restaurant sa BGC. Malawak ang silid, tahimik ang ambiance, at may malalambot na warm lights na bumabagsak sa mahabang mesa. Sa labas ng glass wall, kita ang city lights at ang magulong daloy ng traffic sa ibaba, pero sa loob, para bang hiwalay sila sa buong mundo.Pagkaupo pa lang nila, agad nang nag-order si Lyndon ng mga pagkain—may grilled seafood platter, Angus beef steak, buttered shrimp, truffle pasta, at isang mainit na crab soup na amoy pa lang ay nakakagutom na. May mga side dish pang fresh gre
Baca selengkapnya