KINABUKASAN, bihira mang mangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Talia, Bea, at Mia na makapag-relax nang walang iniisip na trabaho o problema.Kaya matapos ang almusal, nagtungo silang tatlo sa isang sikat na flower park sa Vigan. Punong-puno ng makukulay na bulaklak ang buong lugar. May malalamig na hanging dumadampi sa balat at tanaw pa ang lawa sa malayo.Halatang nag-enjoy si Bea. Si Mia naman ay masayang kumukuha ng litrato gamit ang kanyang tablet habang paminsan-minsan ay ipinapakita kay Talia ang mga kuhang larawan.Pagkatapos maglibot ay kumain sila sa isang restaurant malapit sa parke. Nang matapos ang tanghalian, saka sila nagpasyang bumalik sa hotel.---PAALIS na sana sila ng siyudad at papunta na sa expressway nang may hindi inaasahang nangyari.Nasa unahang sasakyan sina Talia, Bea, at Mia, kasunod naman nila ang security vehicle. Ngunit ilang kilometro pa lamang ang kanilang nalalayo ay biglang tumawag ang head bodyguard."Miss Talia, nagkaproblema po ang sasakyan nam
Baca selengkapnya