KINABUKASAN, maagang sumikat ang araw sa Montclair Villa sa Tagaytay.Dumaan ang liwanag sa malalawak na glass window at tumama sa king-sized bed kung saan nakahiga pa si Caden Montclair.Dumilat siya, mabigat ang mga mata at halatang walang maayos na tulog.Marahang hinaplos ang sentido, saka bumangon. Pagkatapos maligo, nagsuot siya ng itim na tailored suit, inayos ang kurbata, at huminga nang malalim.Pagbaba niya sa grand staircase, bumalik ang pamilyar na tikas at awra ng isang CEO—malamig, kontrolado, walang bakas ng kagabi. Ang mga mata niya ay matalim, ang panga matigas, at ang tindig, parang sinadyang ipaalala na siya pa rin ang may hawak ng lahat.Nandoon si Lyndon, nakatayo sa gilid.Pagkakita sa kanya, agad itong yumuko. “Good morning, Sir.”Tumango lang si Caden.Diretso siyang naglakad papunta sa dining area, kinuha ang tasa ng kape, at sumimsim ng dalawang lagok. Ang mainit na likido ay dumaloy sa lalamunan niya, tila nagpabalik ng ulirat, pero hindi ng kapayapaan.Ibin
Last Updated : 2025-10-26 Read more