“Most likely.”Bahagyang ibinaba ni Hunter ang kanyang paningin, isang nakapangingilabot na kislap ang dumaan sa kanyang mga mata.Noon, bagama’t may impluwensya ang matandang Nancy Montenegro sa business world, ang pagpapakilos ng ganoon kalaking pwersa ng mga kriminal ay hindi magiging madali para dito. Sa huli, lahat ng senyales ay nakaturo sa lalaking nagngangalang George VillegasMatapos makulong ng lalaking ito, ang kanyang kapangyarihan ay malamang na napunta sa mga kamay ng matanang Montenegro… na nagbigay-daan dito para kumilos nang walang pakundangan.Pero matapos ang engkwentrong iyon… ang buong grupong iyon ay bigla na lang naglaho.Naglaho na parang bula...Sa loob ng maraming taon, nanatili silang nakatago at hindi gumagawa ng ingay.“This guy is dangerous,” babala ni Enzo. “Bantayan mong maigi si Luna. Kung lumala ang sitwasyon, lumayo ka muna sa kanya. Right now, we’re exposed, and the enemy isn’t. Let’s observe first. Kung makikipag-ugnayan siyang muli sa lola mo, mal
Baca selengkapnya