Naningkit ang mga mata ni Nancy Montenegro, isang mapagkalkulang tingin ang lumitaw sa mga ito. “Sigurado ka bang perpekto ang plano mong ito?”“Madame, maging bilib naman kayo sa akin,” kampanteng sagot ni Aubrey.Ang paggawa ng mga false claim tungkol sa epekto ng isang gamot ay isang nakamamatay na dagok sa sinumang researcher o corporation.Masasira ang kinabukasan ni Luna sa plano ni Aubrey… at kung gaano kalaki ang magiging pinsala sa Montenegro Corp, iyon ang dapat pa nilang abangan. Sinalinan ni Aubrey ang tea cup ng matanda. “Kung mabigo man ako, tatanggapin ko ang anumang parusang ipapataw ninyo, Madame. Pero sakaling magtagumpay ako sa mga plano ako, I hope na pagbibigyan ninyo ang isang request ko.”Sinamantala niya ang pagkakataon na sabihin ang kondisyon niya. Si Nancy Montenegro, na bigla na lamang gumanda ang mood, ay sumulyap sa kanya. “What is it that you want, De Guzman?”“Gusto ko pong…” ngumiti si Aubrey, “…pakasalan si Ralph.”Alam niyang hindi niya kayang kont
Read more