Doktor nga si Luna, pero bihira niyang alagaan ang sarili niya. Napaka-detalye niya kapag nagbibigay siya ng advise sa mga pasyente. Pero siya, kinakain niya ang anumang gusto niya. Mapa-matamis, malamig, maanghang, o maging ang mga greasy na pagkain. Hindi kataka-taka kung sumakit man ang tiyan niya.Kaya lang, pakiramdam ni Ralph ay may mali. “Masama lang ba talaga ang tiyan mo?”“Oo. Ano pa nga ba?” kaswal na sagot ni Luna. “Hindi naman ito malala. Chineck ko na ang pulso ko. Alam ko ang nangyayari sa katawan ko.”“That’s good.” Sa kabila nito, hindi pa rin mukhang kampante si Ralph.Matapos kumain, hindi na siya nagtagal at tumayo na para umalis. Tumayo na rin si Luna sa may pinto at tinawag si Aslan, “Aslan, baby, tara na. Oras na para sa walking mo.”“Woof!” Tumalon si Aslan mula sa sofa, nahanap ang kanyang leash, at masayang tumakbo palapit habang kagat-kagat ito.Kinuha ni Luna ang leash at ikinabit ito. “Ako na lang ang maglakad sa kanya. Paano kung matumba ka?” Nag-aalala
Magbasa pa