Isang matangkad at kagalang-galang na lalaki ang lumabas mula sa living room habang nakasuksok ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang slacks. Kahit may kaunting puti na nakikita sa buhok nito, bakas pa rin ang kaniyang kakisigan. The moment he stepped closer, a bright, easy-going smile immediately spread across his face—malayo sa malamig at seryosong aura na inaasahan ni Colleen mula sa itinuturing na haligi ng sikat na Montenegro empire.“Honey, this is Colleen. Ethan’s wife!” masayang pagpapakilala ni Mom Margarette habang hawak-hawak pa rin ang magkabilang balikat ni Colleen matapos niya itong yakapin.Agad na lumapit ang ama ni Ethan at tinitigan ang dalaga nang may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Mapapansin agad ang malaking pagkakawangis nila ni Ethan sa hugis ng mukha at matangos na ilong, pero di-tulad ng anak niyang nakapoker-face palagi, ramdam na ramdam kay Mr. Montenegro ang pagiging palatawa at napaka-approachable nito.“At last! Nagkakilala na din tayo,” masa
Read more