Maagang nagising si Colleen dahil sa sunod-sunod na tunog mula sa kanyang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Pagmulat ng kaniyang mga mata, wala na si Ethan sa kaniyang tabi—isang bagay na unti-unti na niyang nasasanayan sa mga nakalipas na araw.Mabilis siyang nag-ayos ng sarili at bumaba sa living room. Laking gulat niya nang makitang naroon na ang mama ni Ethan, tahimik at maagang naghihintay habang may hawak na mainit na tsaa at ilang magasin ng mga pangkasal sa kaniyang kandungan.Nang mapansin ni Margarette ang pagbaba ni Colleen, agad itong ngumiti nang malawak, tinabi ang kaniyang tsaa sa may side table at tumayo para salubungin siya. “Good morning, sweetie! I’m glad you’re awake. I didn’t want to disturb you in your room, so I waited here. We need to finalize the details for the wedding. Ethan told us you prefer a simple ceremony, so we respected that.”Gaya ng napagkasunduan ni Ethan at ng kaniyang mga magulang noong gabi matapos nilang mag-usap sa study room, napagdesis
อ่านเพิ่มเติม