ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakaharap ako sa salamin. Nakatitig sa aking sarili at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. I’m literally marrying Marcus, Matt’s Uncle— like it was a dream!Sino nga ba naman ang mag-aakala na siya pala ang pakakasalan ko instead of Matt na halos ilang taon kong naging boyfriend.Sa totoo lang, naimagine ko na ang buhay ko kasama siya e. Ang magkaroon ng anak na siya ang ama. Yung tipong lalabas kami buong pamilya, magbabakasyon at sobrang masaya. Pero dahil sa isang dahilan ay nasira ang lahat.Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit nila ako ginawang tanga. Kung bakit nila ako niloko at pinaniwala. Buti nakaya ni Marga na makita kami ni Matt na magkasama sa ilang taon na iyon dahil kung ako siguro? Hindi ko kaya.Akala ko, noong niloko ako ni Matt ay hindi ko na kayang bumangon pa at ituloy ang buhay ko pero dahil sa anak ko ay nakaya kong lumaban at maging matatag. Minsan ay pumasok na rin
최신 업데이트 : 2025-10-23 더 보기