“Bakit kailangan mo siyang isama sa usapan natin?” malamig ko na ring tanong sa kaniya. Hindi ko na rin maiwasang hindi mainis. Anong kinalaman ni Matt sa hindi ko pagpayag na magpakasal sa kaniya? “Bakit hindi? E diba siya ang dahilan kung bakit ka naglasing noong gabing iyon? Hindi ba at siya ang dahilan kaya ka nabuntis ng lalaking kamukha niya?” puno ng panunuya niyang tanong sa akin. Napakuyom ang aking mga kamay. Bakit parang kasalanan ko pa? Ako lang ba? Ako lang ba ang may kasalanan na nangyari iyon noong gabing iyon? May sapak ba ito sa utak? “Lumabas ka.” malamig na sabi ko bago ko ituro ang pinto. Ayokong makipagtalo sa kaniya dahil parang mauubos ang lahat ng lakas ko. “Hindi mo ba naisip na kung hindi ka papayag sa gusto ko ay ano na lang ang naghihintay sayo?” umismid siya at pagkatapos ay napasabunot ng buhok. “Baka hindi mo alam ay paniguradong babalikan ka pa ng taong iyon at higit sa lahat, nakaplano na ang engagement niyong dalawa.” Nanlaki ang mga mata ko at hi
최신 업데이트 : 2025-10-16 더 보기