Flora’s POV Naiiyak na lang ako habang pinagmamasdan sina Camille, Andrea, at Conrad. Kasama ko silang mag-workout sa living room. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mahiya sa sobrang effort nila. Nakikita ko kung gaano sila ka-concern sa akin, lalo na si Conrad. Parang siya na talaga ang asawa ko, hindi si Damien. “Flora, ‘wag mong pilitin masyado ‘yong stretching,” sabi ni Conrad habang hawak ang balikat ko. “Dahan-dahan lang, baka sumakit ‘yong lower back mo.” Tumango ako. “Okay lang ako. Sanay na ako sa ganitong sakit.” “Hindi, hindi pwede. Kapag buntis ka, kailangan relax lang lagi.” Nilapitan pa niya ako, inayos ‘yong posisyon ng kamay ko. “Ganiyan. Better.” Napangiti ako nang kaunti. “Salamat, Conrad.” “Wala ‘yon,” sagot niya, nakatingin lang sa akin na parang lagi siyang alerto. “Ayokong mapano ka.” Umupo si Camille sa gilid, bitbit ang bottled water ko. “Grabe, Conrad. Para kang stage husband, ah. ‘Pag nagkataon, ma-fall ka na riyan kay Flora.” Natawa ako, pero
Terakhir Diperbarui : 2025-11-10 Baca selengkapnya