Liam’s POV“I met with your mom earlier, and she said it would be safer… and more convenient if dito muna ako makikitira sa inyo. You know, like the old times. I wanted to spend time with my Ninang Bea. Dad and Mom will be less worried if andito ako kasama ninyo.”Uminit ang ulo ko, hindi dahil kay Celeste, kundi sa biglaang bigat ng sitwasyon. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na may taong basta na lang pumapasok sa espasyong itinuturing kong tahimik, lalo na sa panahong magulo na ang isip ko.“I didn’t know about this,” malamig kong sabi habang bahagya akong lumayo. Ramdam kong umiikot ang paningin ko, hindi ko alam kung dahil sa alak o sa gulong biglang bumalot sa dibdib ko.“Liam, you’re drunk,” marahang sabi ni Celeste. Lumapit siya at muling hinawakan ang braso ko, mas maingat ngayon.“I’m fine,” sagot ko agad, kahit hindi naman totoo.Pilit kong inalis ang kamay niya, pero sa halip na bumitaw siya, mas naging banayad ang hawak niya. Yung isang kamay niya, nakasuporta s
Terakhir Diperbarui : 2025-12-25 Baca selengkapnya