Liam’s POV“Liam?”Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang mahinang pagtawag ni Isabela. Para akong hinila palabas mula sa sarili kong mundo, isang mundong siya rin lang ang laman.“Bakit?” litong tanong ko, kahit alam kong nahuli na niya ang pagkawala ko sa sarili.“May problema ba?” may bahid ng pag-aalala ang boses niya.Umiling ako at bahagyang ngumiti, pilit ikinukubli ang bagyong bumabalot sa dibdib ko.“No… I’m just mesmerized by your beauty,” sabi ko, tapat, walang halong biro.Kitang-kita ko kung paano unti-unting namula ang kanyang pisngi bago siya nag-iwas ng tingin. At tulad ng dati, mas lalo lang siyang nagiging kaakit-akit sa tuwing nahihiya siya. Parang hindi niya alam kung gaano kalakas ang epekto niya sa akin sa mga sandaling iyon.“Tapos ka na bang kumain?” malambing kong tanong, pilit binabago ang direksyon ng isip ko.“Uhm…” Tumango siya at ngumiti.Mabilis akong tumayo at nagpunta sa fridge. Kinuha ko ang paborito niyang ice cream pop, isang simpleng bagay,
Last Updated : 2026-01-03 Read more