Liam’s POVMasaya ako ngayon, isang pakiramdam na matagal ko nang hindi nakikilala. Yung klaseng saya na hindi kayang sukatin ng pera, tagumpay, o kapangyarihan. Masaya ako dahil kasama ko si Isabela. Pero may halong lungkot dahil alam kong bukas, aalis na naman siya.Simula nang aminin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman, tila gumaan ang lahat. Parang may pader na matagal ko nang itinayo, matibay, malamig, at mataas, ang biglang gumuho. Hindi ko na kailangang magkunwari. Hindi ko na kailangang timbangin ang bawat salita at galaw ko. Sa harap niya, maaari na akong maging ako, hindi ang Liam na CEO, hindi ang Liam na anak ng makapangyarihang lalaki, kundi ang Liam na marunong magmahal.For so many years, I trained myself to be cold, to keep my distance, to calculate every move, every word, every decision. N
Terakhir Diperbarui : 2026-01-08 Baca selengkapnya