Isabela’s POVParang tumigil ang mundo ko. Sa isang sandali, inakala kong guni-guni ko lang ang lahat, na tila narinig ko ang boses ni Liam. Iyon ang boses na anim na taon kong sinubukang ibaon sa limot, ngunit hanggang ngayon ay tila multong bumubulong pa rin sa bawat panaginip ko."Isabela!"Parang may kuryenteng gumapang sa aking gulugod. Gusto kong tumakbo, gusto kong magtago sa likod ng malalaking haligi ng mansyong ito, pero nanigas ang aking mga tuhod. Nang dahan-dahan akong lumingon, ang mga mata ni Liam, puno ng sabik at pagsusumamo, ay direktang tumama sa akin.Huwag kang bibigay, Isabela. Huwag dito. Huwag ngayon."Damnit. Bakit sa anim na taong paglayo ko, ang mas lalo lang siyang maging guwapo ang iginuhit ng tadhana? Ang bawat guhit sa kanyang mukha ay tila sadyang dinesenyo para mas lalo akong malunod. He didn’t just age, he evolved into a temptation I can no longer afford to entertain."Hindi ko mapigilang mapatitig nang pasimple. Ibang-iba ang Liam na nasa harap ko
Last Updated : 2026-02-27 Read more