Liam's POV"Isa pang martini," malamig kong utos sa bartender. Ang tunog ng basong dumadampi sa mesa ang tanging maririnig sa halos walang taong bar. Bagong Taon. Ang paligid sa labas ay puno ng ingay ng pagsasaya, ang mga tao ay sumasalubong sa bagong simula na may kagalakan at pag-asa. Ngunit sa exclusive bar na ito sa isang sikat na hotel, tila ako lang ang kakaiba lahat. Habang ang lahat ay nagdiriwang, ako naman ay lumulutang sa dagat ng kadiliman.Naglalasing sa unang araw ng taon, nakayuko ako, ang katawan ko'y bigat na bigat sa dala kong pasakit."One whiskey for me," napaangat ako ng ulo. Ang pamilyar na tinig na iyon sa tabi ko ay nagpakunot ng aking noo. Bumungad sa akin ang isang mukha na ayaw kong makita."Dad?"Tumingin lang siya sa akin, walang imik, at nilagok ang kanyang alak."Happy New Year, anak," mahina niyang bati, walang buhay."Tsk!" Anong masaya sa bagong taon na ito? Sa akin, wala."Umagang umaga, alak agad ang kaharap mo. You look like a mess," sabi niya, n
Last Updated : 2026-02-23 Read more