Beatrice’s POVAng bango ng sariwang bulaklak at mamahaling alak sa loob ng eksklusibong restaurant kung saan kame naroroon ni Benedict.Nakaupo ako sa tapat ni Benedict, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay sa ilalim ng mesa. Sa wakas, dumating na ang sandaling ito, ang ipakilala ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko sa anak kong si Liam.Ngumiti ako nang bahagya kay Ben, isang pagtatangkang itago ang kaba. Ngunit sa loob-loob ko, may isang malakas na tambol na kumakaba sa aking dibdib. Wala akong natanggap na kumpirmasyon mula kay Liam, pero kumakapit ako sa pag-asang hindi niya ako matatanggihan. Kahit minsan hindi pa ako tinanggihan ni Liam, kaya umaasa ako ng darating siya ngayon.“You look lovely tonight, Bea,” malambing na wika ni Ben. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagsinta, gaya ng tingin niya sa akin apatnapung taon na ang nakararaan.“Thank you,” bulong ko, yumuyuko na parang isang dalagita. Pero ang pamumulang ito ay hindi lang dahil sa kilig, ito ay ha
Terakhir Diperbarui : 2026-02-12 Baca selengkapnya