Casey’s POVHindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o kiligin, pero jusko, ang tensyon sa pagitan ng dalawang ito, pwede nang hiwain ng kutsilyo!Kunwari ay busy ako sa pakikipag-usap kay Hudson tungkol sa mga tela, pero ang totoo, ang mga mata ko ay nakapako kina Liam at Isabela. Nakatayo sila sa gitna ng silid. Si Liam, tuwid na tuwid ang tayo, parang isang estatwa na hindi man lang kumukurap habang nakatitig kay Isa. At si Isa naman, kahit halatang nanginginig ang mga daliri, pilit na pinapanindigan ang pagiging "professional designer" niya.Nang ilabas ni Isa ang measuring tape, parang tumigil din ang hininga ko.Dahan-dahang lumapit si Isa kay Liam. Nang magsimula siyang itapat ang
Baca selengkapnya