Isabela’s POVNakaupo ako ngayon sa cottage habang ninanamnam ang hangin na humahaplos sa aking mukha. Ang sarap ng pakiramdam, presko, tahimik, parang sandaling nakalimutan ng mundo ang pagod ko.“Isa, halika na! Magswimming na tayo. Tignan mo, makulimlim ang panahon, hindi masyadong mainit!” sigaw ni Casey habang papalayo sila ni Rico papunta sa dagat.Katatapos lang ng finals namin kaya naisipan naming mag-out of town. Kami lang apat, si Rico, Casey, Erwine, at ako.“Here, Isa. Try my cooking,” sabi ni Erwine sabay abot ng barbecue. Ngumiti ako. “Thank you,” sagot ko bago kumain. Habang ngumunguya, napatingin ako sa paligid, ang dagat, ang buhangin, ang tawa ng mga kaibigan ko. Sa wakas, natapos na ang pressure ng exams, nakahinga rin ako.Nang maluto ni Erwine ang lahat, umupo siya sa tabi ko at sabay kaming kumain. “Are you having fun?” tanong niya. “Oo naman,” nakangiti kong sagot. “Napansin ko kasi, parang lagi kang malungkot nitong mga nakaraang linggo,” sabi niya.Nawala
Última actualización : 2025-11-09 Leer más