Selena’s POV Pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto, agad kong naramdaman ‘yung bigat sa dibdib ko. Parang may malamig na hangin na dumampi sa balat ko, dala ng mga alaala na pilit kong kinalimutan pero ayaw akong tantanan.Habang unti-unting bumubukas ang pinto, parang bumalik ako sa nakaraan. Lahat ng sulok ng kwarto, bawat kurtina, bawat amoy ng lumang kahoy, may alaala ni Ben.Tila kahapon lang.Parang nakikita ko pa ang sarili kong nakikipagharutan sa kanya habang inaayos namin ang kurtina sa may veranda.“Huwag mong higpitan masyado, baka malaglag ka diyan,” sabi niya noon, sabay tawa.Ngayon, tanging katahimikan na lang ang naririnig ko.Lumapit ako sa veranda at napatingin sa labas.Nandoon pa rin ‘yung lumang duyan sa ilalim ng puno ng santol, ang paborito naming tambayan. Diyan kami madalas magpahinga, nakahiga, sabay na nagbabasa ng libro habang marahang hinihimas niya ang buhok ko. Minsan, marahan niya akong hinahalikan sa sentido, mga halik na dati kong inaakala ay t
Terakhir Diperbarui : 2025-11-02 Baca selengkapnya