Isabela POVNanatili akong nakatulala kay Lea, ang mga kamay ko ay nanginginig habang hawak ang baso ng tubig. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila matatalas na bubog na sumusugat sa aking pagkatao.“Three years, Isabela,” pag-uulit ni Lea, ang kanyang boses ay puno ng pait na alaala. “Gusto na niyang mamatay noon. He was so broken, not just physically, but his spirit was shattered. Ilang therapy sessions, ilang doktor ang kinausap namin, pero walang nangyayari. Ayaw niyang lumaban dahil ang tanging rason ng kanyang pagtayo ay wala na sa tabi niya.”Nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. Isang butil ng luha ang pumatak sa aking pisngi, kasunod ang isa pa, hanggang sa hindi ko na mapigilan ang paghikbi.
Read more