Casey’s POVMataman kong tinititigan si Isabela. May kung anong bigat sa bawat galaw niya na pilit niyang itinatago sa likod ng isang pilit na ngiti. Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaiba, isang tensyong hindi ko maipaliwanag. Pero, aaminin ko, muntik na akong maniwala kanina. Noong makita ko kung paano sinubuan ni Liam si Isabela, at kung paano iyon tinanggap ni Isabela nang walang pag-aalinlangan... akala ko talaga ayos na ang lahat. Kinilig ako, dahil sa gitna ng lahat ng gulo, mukhang nahanap na nila ang daan pabalik sa isa’t isa.At kung may tao man na masaya kung mangyayari iyon, isa ako doon.Pagbalik ko galing sa banyo, nakita kong nakapagpalit na si Isabela ng damit. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at napahawak sa aking baba.Mula sa malayo, mukha silang galing sa isang luxury magazine ad. Si Liam, ang Ruthless Billionaire, ay nag-transform na isang Grill Master na tila walang ibang inisip kundi ang perpektong timpla ng steak. Habang si Maeva at Isabela naman ay masaya
Mehr lesen