Pagkasara ng pinto ng bahay nila, agad nagbago ang hangin.Kung kanina ay pilit ang ngiti at arte ang bawat galaw, ngayon ay hubad na hubad ang totoo—ang inggit, galit, at pagkadismaya.Inihagis ni Margaux ang bag niya sa sofa, malakas ang bagsak. Napahawak siya sa buhok niya, paikot-ikot sa sala na parang leon na nakakulong.“Bwisit,” mura niya. “Bwisit talaga!”Napatigil si Margarita sa pagtanggal ng sapatos. Dahan-dahan niya itong inilapag sa gilid, pilit pinapakalma ang sarili, pero halata ang panginginig ng kamay niya.“Tumahimik ka nga,” singhal niya. “Ang ingay mo.”Napalingon si Margaux sa kanya, nanlilisik ang mata.“Ako pa ang tatahimik?” balik niya. “Eh kung hindi ka sana umarte na parang santo-santita kanina, baka may napala tayo!”Naningkit ang mata ni Margarita.“Anong sinasabi mo?” tanong niya, malamig ang boses. “Ginawa ko ang dapat gawin.”“Ginawa mo?” tumawa si Margaux, pero walang saya. “You called her anak,” diin niya. “After everything? Sa tingin mo ba bobo siya?”
Última atualização : 2026-01-17 Ler mais