May mga araw na hindi ka inaaway ng mundo nang direkta. Hindi ka sinisigawan, hindi ka tinutulak, hindi ka tinatapakan. Pero mararamdaman mo—sa paraan ng katahimikan, sa paraan ng pag-iwas ng tingin, sa paraan ng pagbagal ng oras—na may nagbabantay. At sa araw na iyon, iyon ang naramdaman ni Calestine. Maaga pa lang, gising na siya. Nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang mug ng kape, hindi pa umiinom. Pinagmamasdan niya ang usok na umaangat, parang iniisip kung gaano karaming bagay ang unti-unting naglalaho kapag pinabayaan mo lang. Sa likod niya, gumalaw si Adrian. Hindi pa bumabangon, pero mulat na. Ramdam niya kapag ganito si Calestine—yung tahimik na hindi basta katahimikan. Yung uri ng katahimikan na nag-iipon. Tumayo siya at lumapit, hindi nagsalita. Tumayo lang sa harap ni Calestine, kinuha ang mug mula sa kamay nito, saka inilapag sa mesa. Dahan-dahan, parang may sinusukat. “Drink,” sabi niya, maikli. Sumunod si Calestine. Isang higop. Mainit. Sapat para ibalik siya sa kata
Last Updated : 2026-02-04 Read more