Heaven’s POVNanunuod ako ng palabas sa TV nang marinig ko ang yabag ng paa pababa ng hagdan. Napatingin ako agad nang nakita si Reece galing sa silid namin. Hindi ko mapigilang makagat ang labi ko nang makita ko ang suot niya. Plain shirt, fitted na jacket, at pantalon na mukhang pang-practice talaga. Hindi siya naka-coat ngayon. Hindi siya mukhang doktor. Mukha siyang ibang tao. Overall, ang hot ng awra niya ngayon.“Why are you staring?” tanong niya, sabay hinto sa may paanan ng hagdan.“Hindi naman,” depensa ko, sabay iling. “Nanunuod lang ako.”“You’re drooling, Heaven,” sabi niya, may ngisi.Agad kong isinara ang bibig ko at hinaplos ang baba ko. “May tumulo ba?” seryosong tanong ko.Heaven, umayos ka!Tumawa siya nang mahina. “Relax. I’m kidding.”“Hindi nakakatuwa,” sabi ko. “Nakakahiya kaya.”“Then stop staring,” sagot niya.“Eh ikaw kasi,” sagot ko rin. “You look so…”Huminto ako. Napalunok. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko. Parang hinihintay niya ang kasunod. Ako nama
Last Updated : 2025-12-30 Read more