Reece’s POVTahimik ang biyahe namin papunta sa bahay nila Heaven. Hindi iyong komportableng katahimikan na sanay ako kapag kasama ko siya nitong mga nakaraang araw, kundi iyong klase ng katahimikan na may malinaw na distansiya. Ramdam ko sa bawat segundo ng pagiging malamig niya.Nasa passenger seat si Heaven, diretso lang ang tingin sa kalsada. Hindi niya ako tinitingnan. Ni “Junior engineer ka na pala bukas,” basag ko sa katahimikan.“Oo,” maikli niyang sagot.“Handa ka na ba?”“Matagal na,” sagot niya. Walang emosyon. Parang trabaho lang ang usapan.Napahawak ako sa manibela. “Kung gusto mo, pwede kitang ihatid araw-araw. Bago ako papasok sa ospital, ihahatid muna kita. Para masiguro ko ang seguridad mo.”Dahan-dahan siyang napalingon sa akin. Hindi galit ang nakita ko. Hindi rin lambing, kundi pagod.“Huwag na,” sabi niya. “Para hindi kita maabala. Mas mabuti ‘yon.”“Bakit?” tanong ko.“Because this is real life,” sagot niya. “Hindi na ito parte ng kontrata.”“Still,” sabi ko, “
Last Updated : 2025-12-31 Read more