Marga’s POV Kagigising ko lang nang marinig ko ang tuloy-tuloy na pag-ring ng cellphone ko. Inis kong kinuha iyon sa bedside table. “Hello?” sabi ko, paos pa ang boses. “Marga, kailangan ka namin sa presinto. May bagong kaso, urgent,” boses ni Paolo Aquino sa kabilang linya. Kaibigan ko siya at kasamahan ko rin sa force. “Rest day ko ngayon, Paolo,” sagot ko habang nag-iinat. “Hindi ba puwedeng ibang detective muna?” “Lahat busy. Ikaw lang ang may background sa ganitong kaso. Serial case ‘to, and the chief asked for you personally.” Napabuntong-hininga ako. “Fine. Give me an hour.” Binaba ko ang tawag, sabay tayo. Hindi ko man lang napansin na halos alas-siete na pala ng umaga. Pagkababa ko ng hagdan, nagulat ako sa nakita ko. Si Dr. Oliver Mendoza ay nakasuot lang ng gray shirt at pajama, abala sa paghahanda ng breakfast. Maayos niyang inaayos ang mga plato, at napansin kong marunong pala talaga siyang magluto. May bacon, itlog, at pandesal sa mesa. Hindi ko alam kung matataw
Dernière mise à jour : 2025-10-24 Read More