Marga’s POV Niyaya ako ni Oliver na lumabas kasama ang mga kaibigan at katrabaho niyang doctors at nurses. Gusto raw niya akong ipakilala sa kanila. Ayaw kong sumama kasi hindi ko naman plano na maging seryoso sa kanya, lalo pa’t ang totoo, nilalaro ko lang siya. Kaya agad akong nagsinungaling. “Oli, hindi ako makakasama,” sabi ko sa kanya sa tawag. “Birthday ni Rica, kailangan kong dumaan.” Narinig ko ang bahagyang disappointment sa tono niya. “Oh, ganoon ba? Sayang. Akala ko makakasama kita kahit sandali.” “Next time,” sagot ko, pilit kong ginawang kalmado ang boses ko. “Promise.” “Alright. Have fun, pero please text me pag nasa lugar ka na, ha? Gusto kong siguraduhin na safe ka.” Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. “Yes, Doctor. Don’t worry about me.” Hindi niya alam na hindi naman ako sa birthday pupunta. Mag-iinom lang kami ng mga kasamahan kong detective para mag-celebrate ng bagong case na nasolusyonan. Pagdating ko sa bar, maingay, maraming tao, at amoy alak ang pali
Last Updated : 2025-11-04 Read more