Marga's POV Pauwi na ako sa condo ko pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho. Pagod na pagod ako, gusto ko na lang humiga, pero paglapit ko sa building, biglang may humarang sa akin. Si Mama. “Mama? Anong ginagawa mo rito?” agad kong tanong. Kita ko na agad ang galit sa mukha niya. Nakakunot ang noo niya, puno ng pangungutya ang tingin. “Pera,” diretsong sabi niya. “Kailangan ko ng pera. At ngayon na.” Napailing ako. “Ma, wala akong extra ngayon. Pagod ako. Umuwi ka na.” Lumapit siya kaya napaatras ako. “’Wag mo akong ginagago, Marga. May pera ka. Nakita ko ang mga damit mo, mga gamit mo, ang pag-stay mo sa condo. Kung hindi ka buntis, saan ka kumukuha ng pera ha? Ha?!” Napangiwi ako. “Anong konek ng buntis doon?” Tumaas ang boses niya. “Alam kong buntis ka na, Marga! Dahil ‘yan sa kalandian mo! Kung malandi ako, pinakamalandi ka!” “Ano ba, Mama—tumigil ka nga!” Nanginginig ang boses ko. Tinangkang hablutin ni Mama ang bag ko. “Ma, bitawan mo!” “Bibigyan mo ko ng pera!” sigaw
Última actualización : 2025-12-10 Leer más