Marga’s POV Nagising ako nang bahagyang maingay ang pintuan ng silid. Ang huling alaala ko ay nakahiga sa kama ni Oliver, nakangiti habang hawak niya ang kamay ko. Pero nang tumingin ako sa pintuan, napatigil ako. Namilog ang mga mata ko nang makita si Dominic, kasama ang aking ina, si Liza. “Mama? Dominic?” halatang nagulat ako, halos hindi makapaniwala. “Anak, kailangan nating mag-usap. Anong ibig sabihin nito? Boyfriend mo ang tatay ni Dom?” sabi ni Mama nang seryoso, at si Dominic ay nakatingin sa akin na parang galit na galit. “Ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong ko imbes sagutin si Mama, nanginginig ang boses. “Paano kayo nakapasok?” “Relax, Marga,” sabi ni Dominic, pero halata ang init ng galit sa tono niya. “Alam mo ba kung gaano ako nasaktan numoong nalaman ko na rito ka na pala nakatira, sa bahay ng tatay ko, na parang wala kang pakialam sa akin?” “Dom, please, hindi naman gano’n!” pinilit kong ipaliwanag, pero hindi siya nakinig. “Hindi mo lang basta ginagamit si Dadd
Huling Na-update : 2025-12-01 Magbasa pa