Marga’s POV Napansin kong abala si Oliver sa paglilinis ng bahay. Maaga pa lang ay maririnig mo na ang tunog ng vacuum at kalansing ng mga gamit na inaayos niya. Naka-tshirt lang siya at jogging pants, pero kahit gano’n ay halata pa rin ang matigas niyang katawan. Mula sa sofa, nakahiga lang ako habang pinapanood siya. “Grabe, Doc. Hindi mo na kailangang kumuha ng maid, ikaw na lahat.” “Hindi ako mapakali kapag marumi ang paligid,” sagot niya habang nagwawalis sa may hagdan. “Ikaw, anong ginagawa mo diyan? Tumutulong ka ba o pinapanood mo lang ako?” “Pinapanood kita, siyempre,” sagot ko sabay ngiti. “Mas interesting ka pa kaysa sa Nétflix.” Umiling siya, pero nakita kong bahagya siyang natawa. “Kung may time ka pang mang-asar, may time ka ring tumulong.” “Gusto ko sana, kaso baka masira ko lang ang mga ginagawa mo,” sabi ko sabay turo sa mop niya. “Baka madulas pa ako.” “Hindi mo alam maglinis?” tanong niya, parang totoo ang curiosity sa tono. “Alam ko, pero hindi ko gusto,” sa
Last Updated : 2025-10-26 Read more