Oliver's POV Pag-alis ko mula kina Olivia, diretsong dumiretso ako sa kotse. Hindi ako mapakali. Paulit-ulit kong tinawagan ang number ni Marga, pero sa bawat beep, mas lalo akong kinakabahan. “Your call cannot be completed as dialed…” Pumikit ako, pinipigilan ang inis at lungkot. “Marga, sagutin mo naman ako kahit sandali…” Sinubukan ko ulit. Wala. Dead number na. Napakuyom ako ng kamao. “Okay. Sige. Kung ayaw mong sagutin ang tawag, hahanapin kita nang personal.” Ang next option: ang taong alam kong laging may alam tungkol sa kaniya ay si Paulo. Huminga ako nang malalim bago tumawag. Pag-ring pa lang, sinagot agad. “Anong kailangan mo?” malamig na boses ni Paulo. “Paulo… kailangan ko lang malaman kung nasaan si Marga,” mahinahon kong sabi. “Importante. Please.” “Wala akong oras sa iyo, Dr. Mendoza,” sagot niya. “At wala akong sasabihin tungkol kay Marga.” “Paulo, buntis siya. Alam mo ba ’yon?” “Hindi ko kailangang sagutin ang tanong na 'yan.” May diin ang boses niya. “At
Huling Na-update : 2025-12-13 Magbasa pa