Tinotoo ni Enrico ang sinabi. Tinungo nito ang tahanan ng mag-asawang Julie at Romualdo para personal na magpakilala. Hindi inaasahan ni Alessandra na may lakas pa ito ng loob na magpakita matapos siyang dukutin.“Good morning, ma’am. Good morning, sir. Good morning, miss.” Isa-isa silang tiningnan ni Enrico sa bawat pagbati.Bahagyang kumunot ang noo ng kaniyang stepmom habang minamasdan ang lalaki, ngunit nanatili ang malambing na tinig.“Good morning to you too, dear. Pasensya na, my mind’s still catching up this early. May I ask who you are?”Gustong-gusto na niyang sabihin na ito ang dumukot sa kaniya, ngunit hindi batid kung bakit tila may pumipigil na gawin iyon. Marahil ay dahil sa napakagaan ng awra ng lalaki. Magalang ito, palangiti, at hindi makikitaan ng kahit kaunting kasamaan sa kilos.“My name is Enrico Madrigal, ma’am. I’m sorry to drop by unannounced, but I felt it was important to come in person. I know this is going to be a lot to hear, but I’m your ex-husband’s son
Last Updated : 2025-12-20 Read more