“R-Rafael, bumangon ka. H-huwag mo kaming iwan ng anak mo! P-please bumangon ka!” hysterical niyang sigaw habang niyuyugyog ang balikat ng kasintahan.Basang-basa ng luha ang kaniyang mga mata, sumisikip din ang kaniyang dibdib. Nilingon niya ang mga kasama, seryosong nakatingin lang ang mga ito sa kaniya.“D-dalhin natin siya sa hospital, tulungan niyo ako!”Sinubukan niyang buhatin si Rafael, ngunit ni isa ay wala pa ring kumikilos.“Huwag ka nang magsayang ng lakas, Alessandra,” mahinang sabi ni Enrico sa kaniya. Napayuko ito, umuga ang mga balikat. Tinakpan nito ang bibig at tila impit na umiyak.“N-no! No! H-hindi siya maaaring mawala!” Niyakap niya nang mahigpit ang kasintahan. Naramdaman niyang gumalaw si Rafael, nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa mukha ng lalaki.Nabitawan niya ito nang mapagtanto na dilat na dilat ang mga mata nito, kasunod ang pagkawala ng hagalpak na tawa. Ganoon din si Enrico na akala niya ay umiiyak, tinakpan pala nito ang bibig para pigilin ang
Last Updated : 2026-02-08 Read more