“WALA kang kuwenta! Wala ka na ngang maitulong sa pagpapalago ng kumpanya, nilagay mo pa ito sa alanganin! Sa dinami-dami ng kalalabanin mo, ang mga Villareal pa talaga? Dahil lamang sa isang babae?” Umangat ang kamay ni Faustino kasunod ang malakas na paglapat niyon sa mukha ng anak, si Fredrinn. Lumuhod sa paanan ng ginoo ang lalaki. “Hindi ko alam na ganito ang kahihinatnan ng lahat, papa . . . Patawad.”“Simula ngayon, lubayan mo na ang mga Villareal at Delos Reyes, naiintindihan mo? Alikabok lamang ang kumpanya natin kumpara sa kanila!”Napakuyom ng sariling mga kamao si Fredrinn. Hindi niya batid bakit biglang parang nag-ibang tao si Alessandra. Dati-rati naman ay kaya niya itong pasunurin, ngunit ngayo’y mas mailap pa ito sa ligaw na hayop kung makaiwas sa kaniya.“Naiintindihan ko, papa.”Tumungo si Fredrinn sa isang bar para magpalamig, naroon din si Lilian.“That bitch! Kung hindi dahil sa kaniya at sa stepbrother niya hindi sana magkakandaletche-letche ang mga plano natin!
Last Updated : 2026-01-22 Read more