Lumuhod si Rafael sa harapan ng ama. Mawala na ang lahat . . . wag lang ang taong mahal niya. Batid niya kung gaano kahalang ang kaluluwa nito; wala itong sinasanto. “No, please. D-don’t harm her. G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo, h-huwag mo lang saktan si Alessandra,” pagmamakaawa niya. Nakangising itinago nito ang maliit na remote control. Prenteng umupo ito sa harapan niya, tila isang hari na nasa trono. “Umalis ka sa poder ng mga Delos Reyes. Nais kong pamunuan mo ang mga negosyo ko. Dahil kung hindi mo gagawin, titiyakin kong mawawala ang lahat sa ’yo . . . Kasama na ang taong mahal mo.” Mabigat man sa dibdib, sinunod niya ito. Kinagabihan, nadatnan niya ang babaeng hinihintay siya sa sala. Malalim na ang gabi ngunit gising pa ito. Napatayo ito mula sa kinauupuan nang makita siya. “Rafi! Mabuti naman at nakauwi ka na! Kumain ka na ba?” Mabibilis ang hakbang na lumapit ito at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “I miss you. Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko.”
Last Updated : 2026-01-08 Read more