Ang Katotohanang Itinago ni Lola Amara Pov May marahang kumatok sa pinto, bahagya akong nagulat. Sana naman, huwag nila akong pilitin na kausapin siya. "Amara..." boses ni Lola, mahina at nag-aalangan. Mahinang katok na naman ang narinig ko. "Apo ko... pwede ba akong pumasok?" rinig ko pang sambit ni Lola. Napapikit ako, panalangin ko na sana wala na si Tristan sa labas. "Pasok po," mahina kong sabi. Dahan-dahan bumukas ang pinto at napalingon rin ako ng dahan-dahan. Pumasok si Lola, na may hawak na maliit na lumang kahon na parang ilang dekada nang tinatago. Pagkakita ko pa lang iyon, kumabog na agad ang dibdib ko. Parang may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. "Lola, ano 'yan?" napakunot ang noo ko. Hindi siya agad sumagot, lumapit ito sa kama kung saan ako nakaupo. Umupo rin siya sa gilid ng kama ko, malamlam ang mga mata, at nanginginig ang kamay. "Bago mo ako tanungin..." sabi niya, halos pabulong. "Gusto kong malaman mo muna na minahal kita, apo ko. Mahal kita b
Read more