Office Tristan Pov Pagpasok ko sa opisina ng umagang iyon, normal lang ang lahat. Same gawain pa rin emails, meetings, deadlines, etc. Pero marami akong naririnig na bulungan sa opisina. Hindi ko na kailangan magsalita para maintindihan ang mga kumakalat na chismis. Isang pangalan lang naman ang paulit-ulit kong naririnig, "Amara." Dadaan sana ako sa hallway nang marinig ko ang bulungan ng ibang mga empleyado. May mga nagpakalat sa social media ng nangyari sa engagement party ng magulang namin. Kaya madali lang nakita ng mga empleyado ang lahat dahil na rin sa mga shared post. Ang Pilipinas kasi, kapag may ganitong eksena, mas gusto nilang pagfiestahan kaysa ignorahin na lang. Kaya kumalat na worldwide. "Ayan siya, tignan mo, feeling inosente," "Grabe, kaya pala tahimik. Nasa loob pala ang kulo, may tinagong kagagahan sa sarili." Pero dumaan lang siya sa mga taong nagchichismisan. Naglakad lang siya nang diretso, nakayuko, at walang pakialam sa mga chismis. Parang invisible,
Read more